Wednesday, August 27, 2008

Aliping sagigilid; pobreng mangingibig

Palimos po ng kaunting atensyon, para na niyong awa, para sa iyong alipin, isang pobreng mangingibig.
Kahit ga-mamamerang tingin, o singkong halik ang iyong itapon, ako'y liligaya na ng tunay.
Sa iyo ako'y susunod habang-buhay, tila isang asong ang buntot ay nagwawagayway para lamang sa baryang limos ng pagmamahal na iyong itatapon sa akin.
Sa awa, maraming tumatapon ng kanilang limos, higit pa sa iyong binibigay sa akin. Subalit pansin ay hindi ko sila maukulan, sapagkat ang iyong ibibigay ay siya lamang nais kong tanggapin.
Hanggang kamatayan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home