Lintik ka puro latak ang 'yong alay
Ang totoo, mas maraming panahon pa ang iyong inuukol sa trabaho at iyong mga kaibigan.
Kailanma'y hindi ako napunta sa tugatog ng iyong listahan ng prioridad sa buhay. At aaminin ko napakahirap tanggapin nito para sa isang taong unang beses pa lang umibig, at inalay pati ang buhay para lamang sa iyong kapakanan.
Ngayon, ako'y nasa dulong-dulo ng iyong listahan. Sa pinaka-ilalim.
Isang oras para kay Pia sa isang araw. Tama na siguro yun.
Ang salop ay malapit nang mapuno
Ang pisi ay malapit nang maputol
Ang hangganan malapit nang marating.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home